Should I start writing a book about commuting already? Haha
1. Denial - 5km na ang pila. Mala-anaconda dont-my anaconda dont na. Pero ok lang yan. May pag-asa pa. Manalig ka. May 2hrs pa bago ka hanapin ng boss mo. Di ka pa mala-late nyan.
2. Anger - Halos 1hr nang nakapila. Mga 1m lang ang inusad ng pila. Lettuce! Potato! Sige ate, pilitin mo pang sumingit, puputok yang mga labi mo ng wala sa oras. Pero joke lang. Civilized tayo at mature-mature. Kaya sapakan na agad wala ng sabi-sabi. Lels
3. Bargaining -
Ate Guard: Tanging may kapansanan, matatanda, buntis at may kasamang bata lang po ang pwedeng pumasok (at makakasakay nang maginhawa at pwedeng magcha-cha at rumba sa luwag ng tren na para sa kanila)
Ate Guard: Tanging may kapansanan, matatanda, buntis at may kasamang bata lang po ang pwedeng pumasok (at makakasakay nang maginhawa at pwedeng magcha-cha at rumba sa luwag ng tren na para sa kanila)
Ate pasahero: Ate ako po may kapansanan. Broken ang heart.
Ate Guard: Lul!
Ate pasehero 2: *whispers* Magpipilay-pilayan nalang kaya ako.
Ate Guard: Ateng Pasahero 2 buntis po kayo?
Ate 2: How dare you! Di po ako bu..
Ate Guard: Pwede ka na pong umakyat
Ate 2: Huhu. OK. Salamat ate guard. *sabay himas sa tiyan*
4. Depression - 1hr and 45minutes na akong nakapila dito. Magkakalahati na ang libro na kanina ko lang sinimulan habang nakapila. *sigh* Is this the real life or it's just fantasy. Caught in the landslide. No escape from reality. What is life? Am i real? Nasaan ang hustisya? Bat nya nagawa saken yon? Mahal ko pa rin sya. Sabay recall na rin ng ex mo at mga nangfriendzone sayo. Lord, take me.
5. Acceptance - 2hrs na. Buti naman nakapasok na ng istasyon. Pero pila na naman habang naghinhintay ng tren. Smile nalang habang tagaktak na ang pawis. Smile nalang kasi late ka rin naman na. Wala nang magagawa ang depresyon. Smile pa rin kasi bukas luluhod din ang mga tala. *pumito ang guard. parating na ang tren*
Then start of another cycle ng 5 stages pagpasok, habang byahe at palabas ng tren. Well, we'll save that for another CommuteDiary entry.
Prequel (at pampalubag loob na rin): 3 kaming sumubok sa hamon ng Monday rush hour. 3 kaming umalis ng saktong 6:45AM mula sa condo. 3 kami same lang ang destinasyon. 1 nagkotse. 1 nagtaxi. Ako, nag-jeep-LRT-MRT-tricycle. Dumating ako 3hrs after. Dumating ang nakataxi ng 3hrs50mins after at nagbayad ng 325petot. Dumating ang nakakotse 4hrs15mins after at hanggang ngayon ay di pa umiimik.
No comments:
Post a Comment